dzme1530.ph

Historic rights claim ng China sa South China Sea, misleading at walang batayan —DFA

Tinawag na misleading at walang batayan ng Dep’t of Foreign Affairs ang pahayag ng China kaugnay ng umano’y kanilang historic rights at claims sa South China Sea.

Ayon sa DFA, alinsunod sa 2016 arbitral award ay walang legal effect ang historic rights o iba pang sovereign rights o jurisdiction claims ng China sa maritime entitlements batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Iginiit pa ng DFA na ang Pilipinas ay may matagal nang soberanya at kontrol sa Bajo de Masinloc at iba pang lugar sa West Palawan na bumubuo sa Kalayaan Island Group, at ang mga ito umano ay malinaw na nakalagay sa administrative maps ng Pilipinas noon pang panahon ng mga Espanyol, partikular sa 1734 Murillo Velarde Map.

Kaugnay dito, patuloy umanong titindig ang Pilipinas laban sa maling claims at mga iresponsableng aksyon na lumalabag sa soberanya, sovereign rights, at jurisdiction sa sarili nitong maritime domain.

Hinikayat din nito ang Tsina na muling pag-isipan ang kanilang posisyon at claims sa South China Sea.

About The Author