dzme1530.ph

Hirit ng kampo ni Alice Guo na manatili ang dismissed mayor sa PNP Custodial Facility, hindi kinatigan ng Korte sa Pasig

Mananatili si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kustodiya ng Pasig City Jail Female Dormitory.

Ito’y makaraang magpasya ang Pasig City Regional Trial Court na maituturing na “moot” ang motion, na manatili ang dating alkalde sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City.

Sa ikatlong order na nilagdaan ni Pasig City RTC Branch 167 Presiding Judge Annielyn Medes-Cabelis, binigyang diin na ang hearing sa urgent motion ng kampo ni Guo na ibalik ang dating alkalde sa PNP Custodial Facility dahil sa umano’y mga banta, ay kanselado na.

Kahapon ay ipinag-utos ng Pasig Court na i-hold muna ang paglilipat ng custody kay Guo sa Pasig City Jail Female Dormitory para tiyaking protektado ang mga karapatan ng akusado at hindi mapagkakaitan ng remedies na availabale para sa kanya, sa ilalim ng Rules of Court.

Umaga pa lamang kahapon ay ibiniyahe na ang dismissed mayor sa lilipatan nitong piitan, alinsunod sa atas ng Korte. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author