dzme1530.ph

Hirit na writ of amparo ni Harry Roque, ibinasura ng Supreme Court

Ibinasura ng Korte Suprema ang inihaing writ of amparo ni dating Presidential Spokesman Harry Roque para pigilan ang pagditine sa kanya matapos i-cite in contempt ng Quad Committee ng Kamara.

Inisyuhan si Roque ng arrest warrant kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon ng Quadcomm hinggil sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Sa press conference, sinabi ni Supreme Court Spokesperson, Atty. Camille Ting, na ibinasura ng Korte ang hirit na writ of amparo ni Roque dahil hindi ito ang proper remedy laban sa congressional contempt at detention orders.

Idinagdag ni Ting na ang saklaw ng Amparo ay limitado lamang sa extra judicial hearings at enforced disappearances, o mga pagbabanta, na wala sa naturang kaso. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

 

 

About The Author