Itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Miyerkules, Feb. 19 ang hearing kaugnay ng petisyon na itaas sa ₱15 ang minimum na pasahe sa jeepney.
Ayon kay LTFRB Technical Division Head Joel Bolanos, ang petisyon ay pending noon pang 2023, kung saan nagbigay lang ang board ng provisional increase.
Idinagdag ni Bolanos na nang mga panahong iyon anya ay mataas ang presyo ng petrolyo, kaya ₱17 ang hirit noon ng mga operator at driver, subalit ang orihinal na petisyon na inihain noong 2022 ay ₱15.
Enero 21 ngayong taon nang ihayag ng LTFRB na nire-rebyu nila ang hirit na dagdag-pasahe.
October 2023 nang itaas sa ₱13 ang minimum na pasahe sa tradisyonal na jeep habang ₱15 sa modern jeepneys.