Hiniling ni Sen. Sherwin Gatchalian sa Department of Education ang proseso sa hiring ng mga administrative at technical staff na mamamahala sa tambak na paperworks na kadalasang pinapasa sa mga guro.
Iginiit ni Gatchalian na dapat alisin sa mga guro ang tambak na administrative at clerical works upang mabigyan ng proteksyon ang kanilang kalusugan at mapagtuunan nila ang pagtuturo sa mga mag-aaral.
Ito ay bunsod ng report ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na nagsasaad na dalawa sa bawat tatlong public school teachers ang nagtatrabaho ng lagpas sa prescribed na 40 oras sa loob ng isang linggo.
Bunsod ito ng mga paulit-ulit na paperworks na kailangang isumite ng eskwelahan sa mga opisina ng DepEd.
Binigyang-diin ng senador na ang labis na gawain ng mga guro na hindi na kasama sa mandato ng aktwal na pagtuturo ay umaagaw sa mahalagang oras na dapat ibuhos sa pagpapahusay ng pagtuturo.
Sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act, pinalilikha ang DepEd ng 10,000 plantilla positions para sa administrative officers. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News