dzme1530.ph

Hipon, pinatitibay ang immune system!

Loading

Ang Hipon o Shrimp ay may taglay na Protina at Vitamin E na siyang nagpapalakas ng immune system.

 

Mababa rin ito sa Carbs, Calories at puno ng nutrients na mabuti sa mga taong nais magbawas ng timbang.

 

Mayroon din itong antioxidant na Astaxanthin (Asta-zan-tin) na pumoprotekta sa cells ng katawan at pinabababa rin ang tyansang magkaroon ng wrinkles gayundin ng nagmumula sa sun damage.

 

Naglalaman ang Hipon ng Selenium / isang uri ng mineral na siyang tumutulong upang mapigilan ang pagkakaroon ng malubhang sakit.