Muling nanindigan si Sen. JV Ejercito na hindi dapat madaliin ang pag-amyenda sa Saligang Batas.
Kasunod ito ng pagpasa ng Resolution of Both Houses no. 7 sa Kamara na anya’y tila minadalli ng mga kongresista.
Ipinagtataka rin ni Ejercito kung bakit nauna pang nag-apruba ng panukalang economic charter change ang Mababang Kapulungan ng Kongreso gayung ang usapan ay ang Senado ang mangunguna sa pagtalakay nito.
Ipinaalala ng senador na ang napagkasunduan sa harapan ni Pangulong Bongbong Marcos ay ang mga senador ang babalangkas ng panukala na ia-adopt ng Kamara.
Iginiit ng mambabatas na dapat pinag-aaralang mabuti ang anumang pag-amyenda sa konstitusyon dahil pangmatagalan ang epekto nito.
Wala anyang puwang ang pagkakamali sa pagbabago sa mga probisyon sa konstitusyon kaya’t hindi ito dapat minamadali.