Positibo ang pagtanggap ng ACT Teachers sa desisyon ng Department of Education na huwag nang patawan ng parusa ang guro na nag-viral dahil sa pinagagalitan nito ang mga estudyante.
Ayon kay Congw. France Castro, tama lang ang pasya ni VP at Education Sec. Sara Duterte, dahil sa talagang napakabigat ng working conditions ng mga guro ngayon.
Ang katotohanan, maliit umano ang sahod ng mga guro, habang malaki ang class size kaya hindi maiwasan na mapuno at magalit din sila, idagdag pa ang posibleng problema sa pamilya.
Kasabay nito inirekumenda ni Castro na dagdagan ang guidance councilor at psychologists sa mga paaralan, at maglunsad ng mental health activities para maiwasan ang “outburst o mental breakdown” alin man sa guro o estudyante.
Una nito nagpasya si Duterte na huwag nang bigyan ng sanction ang guro sa katwirang tao rin ito at umaabot sa punto na nagagalit sa mga estudyante.