dzme1530.ph

Hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni PBBM at Sen. Marcos, mas lumalalim

Loading

Kinumpirma ni Sen. Imee Marcos na mas lulalim ngayon ang hindi nila pagkakaunawaan ng kapatid niyang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng usapin sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa senadora, posibleng nagalit pa sa kanya ang Pangulo matapos magmistulang anti-administration ang kanyang isinagawang hearing kasunod aniya ng hindi magkakatugmang pahayag ng cabinet members.

Sinabi ng mambabatas na matagal na silang hindi nakakausap ng Pangulo lalo pa’t maraming humaharang sa kanila.

Aminado rin ang senadora na malungkot siya sa nangyayari sa pagitan nilang magkapatid.

Nanindigan din si Marcos sa tuluyang pagkalas sa Alyansa subalit tiwala pa rin aniya itong mananalo siya sa Halalan.

About The Author