dzme1530.ph

Hindi pagkakasama ng dagdag-sahod sa SONA ng Pangulo, ikinadismaya ng isang senador

Loading

Bagama’t naging komprehensibo ang SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dismayado si Sen. Juan Miguel Zubiri sa hindi pagbanggit ng ilang mahahalagang isyu, partikular ang dagdag-sahod para sa mga minimum wage earners.

Giit ni Zubiri, mahalaga ang disenteng sahod at proteksyon ng mga manggagawa laban sa pagsasamantala. Ikinatuwa naman niya ang pagtutok ng Pangulo sa transparency, pero iginiit na kailangan itong samahan ng konkretong aksyon.

Aniya, dapat imbestigahan hindi lang ang implementing agencies kundi pati na rin ang mga mambabatas na nagpasok ng kuwestyunableng budget amendments.

Tinatanong din nito kung bibigyan ba ng kapangyarihan ang Ombudsman na magsampa ng kaso at papanagutin ang mga sangkot.

Tiniyak ni Zubiri na mananatiling mapagbantay ang Senate Minority bloc upang matiyak na matutupad ang mga pangakong binitawan sa SONA.

About The Author