dzme1530.ph

HINDI PAGGALANG SA PARTISIPASYON NG LOKAL NA KORTE SA KASO NG MGA PINOY SA FOREIGN JURISDICTION, MAGPAPAHINA SA KONSTITUSYON, AYON SA ISANG SENADOR

Loading

DAPAT tiyakin ng gobyerno na walang  Pilipinong  nahaharap  sa  international arrest  warrant  ang  ipadadala  sa  ibang  bansa  nang hindi muna binibigyan ng pagkakataon na humingi ng tulong sa lokal na korte.

 

Ito ang iginiit ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa pagsusulong ng kanilang grupo ng Senate Resolution 307 na itinuturing nilang constitutional  safeguard  na  nakabatay  sa  aral  ng  1987  Constitution.

 

 Ayon kay Cayetano, ang SRN 307 ay para sa lahat ng Pilipino at hindi nakatuon sa kahit sinong personalidad o mga kasong kasalukuyang umiiral.

  

Binigyang diin niya na mahalaga ang partisipasyon ng korte lalo na sa mga kasong may international arrest warrants.

 

Binanggit din niya bilang halimbawa ang Canada, United Kingdom, at South Korea na nag-aatas ng domestic  legal  process  bago  hayaang  maaresto o maipadala ang isang tao sa ibang bansa.

 

Ayon kay Cayetano, hindi lang ito usapin ng kasalukuyang kontrobersiya kundi pwede ring makaapekto sa mga opisyal o ordinaryong mamamayan sa hinaharap.

 

Nagbabala siya na ang paglaktaw sa lokal na korte ay pwedeng magpahina sa proteksyon ng konstitusyon.

About The Author