dzme1530.ph

HINDI PAGDALO SA CONFIRMATION OF CHARGES HEARING, KARAPATAN NI DATING PANGULONG DUTERTE

Loading

NANINDIGAN si Senador Robin Padilla na karapatan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumangging humarap sa kanyang confirmation of charges hearing. 

 

Sinabi ni Padilla na kasama sa human rights ni Duterte ang pagtangging ito at dapat igalang ng sinuman. 

 

Aminado naman ang senador na nalulungkot sila dahil pakiramdam nila ay biased ang ICC dahil lagi na lamang nababasura ang mga hiling ng dating Pangulo.

 

Subalit umaasa anya sila na darating din ang pagkakataon apra sa kanila at umaasa silang hindi ito magiging bahagi ng pamumulitika. 

 

Una na ring binatikos ni Padilla ang ICC Prosecution Team sa pagtutol sa hiling ng dating Pangulo na payagan siyang huwag dumalo sa pagdinig.

About The Author