![]()
Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Hinatuan, Surigao del Sur ang pagpapatupad ng preemptive evacuations bilang paghahanda sa epekto ng Bagyong Basyang, na inaasahang magla-landfall ngayong Huwebes o bukas.
Nagsagawa ng Hinatuan LGU ng preemptive evacuations sa limang island barangays, target ang 500 hanggang 700 na pamilya habang mahigpit na binabantayan ang flood-prone areas.
Sinabi ni Hinatuan Mayor Atty. Tito Cañedo III na kung hindi magbabago ang direksyon at lakas ng bagyo at tatama sa kanilang bayan, magpapatupad sila ng forced evacuation.
Sinuspinde na ang pasok sa mga paaralan sa Hinatuan, at sa iba pang mga lugar, gaya sa Cebu City.
Itinaas na rin ng mga otoridad ang blue alert status, hudyat na lahat ng heavy equipments ay handa para sa posibleng rescue operations
