dzme1530.ph

Hiling ng US na temporary shelter sa Afghan refugees, nakapagtataka

Unidos pagkakalooban ng temporary shelter ang mga Afghan refugees.

Nilinaw naman ni Pimentel na wala siyang nakikitang problema sa pagpapasok sa ating bansa ng refugees dahil isa itong magandang Humanitarian Act.

Gayunnan, kwestyonable anyang hilingin ng Estados Unidos na pagkalooban ng temporary housing ang mga Afghan na nagpoproseso ng visa.

Nagtataka si Pimentel bakit kailangang dito muna sa Pilipinas pansamantalang manuluyan ang Afghan refugees para maproseso ang kanilang visa bago sila tuluyang makapasok sa US

Tiyak naman anyang may mas maganda at malaking gusali ang US na maaaring tuluyan ang Afghan refugees

Pabor naman si Pimentel sa isinusulong ni Senate Committee on Foreign Relations Chairperson Imee Marcos na magsagawa ng pagdinig ang senado sa usaping ito.

Ito ay upang magkaroon ng higit na papel o partisipasyon ang senado sa mga usaping may kaugnayan sa foreign policy ng bansa. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author