![]()
Kinatigan ng International Criminal Court (ICC) ang hiling ng legal team ni dating pangulong Rodrigo Duterte at ng prosekusyon na magdagdag ng mga bagong ebidensya na gagamitin sa proceedings.
Sa apat na pahinang desisyon, inatasan ng ICC Pre-Trial Chamber I ang depensa at prosekusyon na maghain ng update list of evidence nang hindi lalagpas sa Feb. 13, 2026.
Ito’y matapos humingi ng permiso ang kampo ni Duterte sa ICC para magdagdag ng 78 items sa kanilang list of evidence na gagamitin sa hearing sa confirmation of charges.
Sa latest order, sinabi ng ICC na hindi tumutol ang prosecution sa pagtanggap ng 78 items of evidence.
Humirit din ang prosecution ng authorization sa chamber para makapagdagdag din sila ng dalawang items sa kanilang list of evidence, at hindi rin ito tinutulan ng depensa.
