Pinag-aaralan na ng gobyerno ang hiling ng America kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pansamantalang kupkupin sa Pilipinas ang refugees mula Afghanistan.
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, “under evaluation” na ang request ng US government.
Matatandaang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na binanggit ni US President Joe Biden kay Pangulong Marcos ang isyu sa kanilang bilateral meeting sa White House noong Mayo.
Gayunman, sinabi ni Philippine Ambassador to USA Jose Manuel Romualdez na una nang nagkaroon ng hiling noong Oktubre 2022, para sa pag-proseso ng special immigration visas sa Afghans at kanilang mga pamilya na nais takasan ang Taliban government. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News