dzme1530.ph

Hiling na political asylum, prerogative ni Roque

Loading

Aminado si Senate Presidente Francis “Chiz” Escudero na prerogative ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque ang paghahain ng aplikasyon para sa political asylum sa The Netherlands.

Subalit, ayon kay Escudero nasa kamay ng pamahalaan ng The Netherlands kung pagbibigyan o tatanggihan ang hiling ni Roque na political asylum.

Si Roque na wanted sa bansa dahil sa kinakaharap na kasong human trafficking sa Department of Justice at warrant of arrest na inisyu laban sa kanya ng Kamara ay biglang lumantad sa The Hague matapos maaresto at dalhin sa International Criminal Court si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay para tumulong at maging bahagi ng legal team ng dating Pangulo.

Samantala, hindi tiyak ni Escudero kung uubra na ipaaresto si Roque sa tulong ng Interpol gamit ang warrant of arrest ng Kamara.

Ang DOJ aniya ang mas nakakaaalam kung maaaring gamitin ang naturang warrant of arrest para ipadakip si Roque.

About The Author