dzme1530.ph

Hiling na “leave of absence” ni Cong. Arnie Teves, hindi papayagan hangga’t hindi umuuwi ng Pilipinas

Pinauuwi muna sa Pilipinas si Cong. Arnulfo “Arnie” Teves, Jr. ng Negros Oriental bago pag-usapan ang “leave of absence” na hinihingi nito sa Kongreso.

Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco, na ito ang laman ng sulat ni Teves sa Committee on Ethics and Privileges na may petsang May 22.

Ang leave of absence ay hanggang sa humupa umano ang banta sa kanyang buhay.

Ayon kay Velasco, pinapayagan ang hiling na leave of absence ng isang kongresista kung ito ay may sakit o magtutungo sa isang lugar na nasa loob lamang ng bansa.

Ito ay para sakaling ipatawag ng Kongreso o ng otoridad ang kongresista ay madali itong makakatugon, subalit sa sitwasyon ni Teves nasa labas pa ito ng bansa at kailangang may aprubadong travel clearance.

Mensahe ni Velasco kay Teves, umuwi muna ito sa Pilipinas bago nila pagbigyan ang hirit nitong leave of absence.

Nitong May 22 natapos na ang 60-days suspension na ipinataw ng Kamara kay Teves, ngunit ayaw pa rin nitong umuwi kaya posibleng patawan ito muli ng panibagong sanction. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author