Aabot sa higit ₱7,000,000 halaga ng illegal na droga mula limang abandunadong parcel ang nasabat ng Bureau of Customs at NAIA-PDEA sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.
Una rito ang mga naturang parcel ay padala ng ibat ibang individual mula Thailand, Canada, California na naka-consignee naman sa limang individuals na nakatira sa Tondo, Pampanga, Mandaue City, Taytay Rizal, at Bulacan.
Natuklasan ng mga tauhan ng Customs at NAIA-PDEA ang laman ng parcel nang idaan ang mga ito sa X-ray machines at physical examination ng customs examiners kung saan aabot 4,877 grams na kush o high grade marijuana, na may standard drug price na aabot sa ₱6,827,800.00
Habang pitong disposable vape naman na may sangkap na marijuana oil na nagkakahalaga ng ₱3,780.00.
Ang mga naturang illegal na droga ay naiturn-over na sa NAIA PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News