dzme1530.ph

Higit P6M halaga ng illegal na droga, nasamsam sa isang warehouse sa NAIA Complex, Pasay City

Naiturn-over na ng Customs sa NAIA PDEA-IADITG, para sa tamang dokumentasyon at disposition, ang mga nasamsam na illegal na droga na may kabuuang halaga na aabot sa P6,186,924,00.

Ang mga naturang illegal drugs ay mula sa 19 na abandunadong parcel mula sa iba’t ibang bansa na tangkang ipasok sa Pilipinas.

Una dito ang may pinagsamang kabuuang 3,702.36 grams na marijuana o kush na may standard drug price na aabot sa Php 5,183,304

Habang tinatayang nasa 577 ml. naman na hinihinalang Marijuana Oil ang kasama sa nasabat na may standard drug price na aabot sa Php 34,620.

Hindi rin nakalusot ang parcel na naglalaman ng 570 pieces na Ecstasy tablet na nagkakahalaga naman ng Php969,000.

Naharang din ang Dry Opium Poppy Flowers na may bigat na tinatayang aabot sa 850 grams na hindi pa tukoy ang halaga nito.

About The Author