dzme1530.ph

Higit P60k na halaga ng illegal na droga, nakumpiska ng MPD sa 2 ex-convict sa Manila

Balik-himas rehas ang dalawang ex-convict na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ito ay matapos malambat ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PMAJ Salvador Iñigo Jr., sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL Salvador Bagne Tangdol, Station Commander ng MPD-Station 9.

Nangyari ang pagkakadakip sa dalawang ex-convict, sa kahabaan ng San Andres St., corner Quirino Avenue Brgy.739 Malate, Manila, matapos ang ikinasang Anti-Criminality and Law Enforcement Operation, sa ilalim ng pamumuno ni MPD Director PBGen Andre Perez Dizon.

Kinilala ang dalawang binatilyong suspek na sina, Richard Hizon y Dela Cruz aka Rich, 21 taong gulang, at miyembro ng “Bahala na Gang” at Hershey Manuel y Apacible aka Shey, 20 taong gulang, miyembro naman ng “Commando Gang” na kapwa nakatira sa Malate, Manila.

Nakuha sa mga suspek ang 10 gramo ng shabu na may kabuuang halaga na P68,000. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author