dzme1530.ph

Higit P45-M halaga ng illegal drugs mula Africa, nasabat sa isang warehouse sa NAIA Complex, Pasay City

Kulang-kulang P46-M halaga ng iligal na droga mula sa isang abandonadong parcel mula Africa ang nasabat ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG sa isang warehouse sa NAIA Complex, Pasay City.

Ang nasabing parcel ay ideklarang African Cultura na padala ng nagngangalang Michael Mobida ng 28 Krombek Street, Van Reibeeck BIR, Kempton Park, Johannesburg, South Africa at naka-consignee kay Wilbert Dee ng 289 E Rodriguez, SR Avenue, Cathedra, Manila, Philippines.

Natuklasan ang laman ng parcel nang idaan ito sa initial inspection sa pamamagitan ng x-ray machine at customs examiner kung saan nakalagay ang bundle ng assorted fabric placemats, pillow case, and blankets; 6 plastic pouches ng nuts; 3 plastic pouches of pumpkin seeds kung saan nakasilid ang 6.750 kgs na hinihinalang shabu na may street value na aabot sa P45,900,000.

Ang illegal drugs ay nai-turn-over na ng customs sa NAIA PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author