dzme1530.ph

Higit P200-M halaga ng counterfeit footwear, nasabat ng PNP-CIDG

Nakasamsam ang mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group ng P201-M na halaga ng mga pekeng sikat na brand ng tsinelas, sa Bulacan.

Limang Chinese nationals din ang naaresto sa dalawang araw na operasyon sa Marilao at Bocaue.

Unang sinalakay ang King Sport Property Compound sa Marilao kung saan nasamsam ng CIDG ang 1,311 na sako na naglalaman ng 62,000 na pares ng foot wears na nagkakahalaga ng P180-M.

Walumpung sako naman na naglalaman ng mga tsinelas na nagkakahalaga ng P20-M at iba pang mga ebidenysa na mahigit P1-M ang halaga, ang nakumpiska sa isang warehouse sa Bocuae —sa panulay ni Lea Soriano

About The Author