dzme1530.ph

Higit P1.9-M halaga ng bagahe, naiwan ng isang pasahero sa NAIA Terminal 1

Aabot sa P1.9-M halaga ng mga alahas at cash mula sa isang bagahe na naiwan ng isang pasahero sa NAIA terminal 1 ang nakita ng isang security guard ng Ninoy Aquino international Airport (NAIA).

Ayon sa MIAA, nakita ni Mahmud Mastul, security guard ang isang unattended baggage sa arrival greeters area sa NAIA terminal 1 at agad siyang humingi ng tulong sa MIAA Police at PNP Aviation Security Group.

Agad namang tumugon ang APD at PNP-AVSEGROUP para isagawa ang security operating procedure para sa anumang banta sa seguridad.

Ang nasabing maleta ay itinurn-over sa MIAA Lost and Found Section para sa tamang imbentaryo at dokumentasyon.

Ikinatuwa naman ni MIAA Officer-in-Charge Bryan Co ang kabutihang ginawa ni Mastul sa pamamagitan pagpapakita ng magandang halimbawa sa kanyang mga kasamahan na gumawa ng mabuti at gampanan ang kanilang tungkulin sa Paliparan. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author