Mahigit 50,000 rice farmers at kanilang dependents sa buong bansa ang nakatapos ng iba’t ibang agriculture-related training programs sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Rice Extension Services Program (RESP) noong nakaraang taon.
Sinabi ni TESDA Director General Danilo P. Cruz na may kabuuang 53,221 magsasaka ng palay at kanilang mga dependent ang nakinabang sa mga programa at hakbangin ng ahensya sa ilalim ng RESP.
Ayon kay Cruz ang Region VIII ang pinakamaraming bilang, na may 6,056 na nagtapos noong 2022. Sinundan ito ng Region III at VI na may 5,263 at 4,797 nagtapos.
Sinasanay ng TESDA ang mga magsasaka ng palay alinsunod sa pagpapatupad ng Republic Act 11203, o ang Rice Liberalization Act.
Ang mga pagpapatupad ay inilabas noong Setyembre 2019 sa mga aktibidad ng RESP na isasagawa ng ahensya sa pamamagitan ng mga tanggapan panglalawigan nito at mga rehiyon.
Naniniwala ang ahensya na ang mga kursong pang-agrikultura at pagpapahusay sa kasanayan ng mga manggagawang bukid sa bansa ay makakatulong na makamit ang seguridad sa pagkain.