Kabuuang 4,229 pasahero ang naapektuhan ngayong Hulyo 18, 2025 sa kanselasyon ng 26 na domestic flight dahil sa epekto ng bagyong Crising.
Kinumpirma ito ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kasunod ng patuloy na sama ng panahon sa Bicol Region.
Ayon sa CAAP, dalawa sa mga flight mula Maynila patungong Busuanga ang napilitang bumalik sa Maynila dahil sa masamang lagay ng panahon sa destinasyon.
Kabilang sa mga kinansela ang 13 domestic flight ng Cebu Pacific, na may rutang:
Manila–San Jose–Manila
Manila–Virac–Manila
Manila–Tuguegarao–Manila
Manila–Cauayan–Manila
Busuanga–Manila
Apat na flight ng Philippine Airlines ang kinansela rin, kabilang ang:
PR 2932: Manila–Basco
PR 2933: Basco–Manila
PR 2688: Clark–Basco
PR 2689: Basco–Clark
Anim na domestic flight naman ng Cebgo ang apektado, kabilang ang mga biyaheng:
Masbate–Cebu
Manila–Naga–Manila (vice versa)
Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na direktang makipag-ugnayan sa kanilang airline para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.