Aabot sa mahigit P4.5 million na halaga ng illegal na droga ang nasabat ng Bureau of Customs at NAIA PDEA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa isang warehouse sa
Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay.
Ayon sa mga awtoridad, nakasiksik ang illegal drugs sa walong abandunadong parcel na mula sa ibat ibang sender galing sa California at naka-consignee sa iba’t ibang individual na nakatira sa Metro Manila, Cavite at San Pedro Laguna.
Pitong parcel ang naglalaman ng cartridge cannabis oil na ideklarang pokemon cards NBA cards, trading cards, at jewelry na nagkakahalaga ng aabot sa higit sa P20, 160.
Habang sa pang-8 parcel nakita ang 3,232 grams na marijuana o kush na may standard drug price na aabot sa P4,524,800,00.
Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sinu-sino ang mga sangkot sa tangkang pagpupuslit ng illegal na droga papasok sa bansa.