dzme1530.ph

Higit 20 pamilya apektado ng landslide sa Western Bicutan, Taguig City

Nasa mahigit 20 pamilya ang nananatili sa Nabua covered matapos magiba ang isang perimeter wall at pagguho ng lupa dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan dulot ng Bagyong Egay.

Ayon sa Taguig LGU, walang nasaktan o namatay na indibidwal mula sa mga pamilyang nakatira sa paligid ng lugar.

Isinagawa ang pre-emptive evacuation sa Nabua covered court upang ilikas ang 23 pamilyang nakatira malapit sa landslide area at masiguro ang kanilang kaligtasan.

Isinara ang bike lane at outermost lane ng C5 Road na katabi ng lugar ng insidente upang mabawasan ang pagyanig ng lupa na maaaring magdulot ng karagdagang pagguho.

Kasalukuyang ginagawa ang assessment ng mga engineer ng City of Taguig, katuwang ang DPWH at Metro Parkway Clearing Group ng MMDA upang agad na ma-reinforce ang pader na gumuho at malinis ang lupa at debris sa landslide area.

Pinapaalalahanan din ang lahat na maging alerto sa panahon ng may bagyo at agad na tumawag sa hotline ng lungsod (8-789-3200) kung may emergency. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author