dzme1530.ph

Higit 20 Chinese Vessels namataan sa Ayungin Shoal

Mahigit dalawampung hinihinalang Chinese Maritime Militia at Coast Guard Vessels ang namataan malapit sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea ayon sa Philippine Coast Guard.

Inihayag ng PCG na base sa mga litrato mula sa kanilang Maritime Domain Awareness (MDA) Flight ang nagpapatuloy na presensya ng dalawampu’t anim na sasakyang pandagat ng China sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Sinabi ng PCG na inatasan nila ang China Coast Guard 5304 na lisanin ang lugar bilang tugon sa Chinese at English Radio Challenge mula sa Chinese Ship, kasabay ng pagbibigay diin na may isinasagawang MDA sa Philippine Exclusive Economic Zone.

Kamakailan lamang ay na tinutukan ng military-grade laser light ang BRP Malapascua mg PCG na tumutulong sa Military Rotation at Resupply Mission sa Ayungin Shoal.

Ilan sa mga kawani ng PCG ang nakaranas ng temporary blindness o pansamantalang pagkabulag dulot ng pagkaka-expose sa laser.

About The Author