![]()
Tinatayang 100 hanggang 200 indibidwal ang posibleng sangkot sa maanomalyang flood control projects na kasalukuyang iniimbestigahan ng Department of Justice (DOJ).
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, maaari nang magsimula ang paghahain ng kaso sa loob ng 90 hanggang 120 araw, simula sa mga tinaguriang “low-lying fruits” gaya ng mga ghost projects.
Biro pa ng kalihim, “maswerte” kung bago mag-Pasko ay ang tatanggapin ng mga sangkot ay warrant of arrest.
Dagdag pa ni Remulla, mula sa mahigit 100 personalidad na posibleng nasangkot sa pagkulimbat ng bilyon-bilyong piso, 67 umano ang nasa loob ng Kongreso.
