dzme1530.ph

Higit 100 katao, patay matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa Nigeria

Pumalo na sa 103 katao ang nasawi matapos lumubog ang sinakyang bangka sa North-Central Nigeria.

Ayon sa mga otoridad, overloaded ang naturang bangka na may sakay na nasa 300 katao.

Dinagdagan pa anila ito ng sama ng panahon kung saan ilang araw nang nakakaranas ang lugar ng malakas na pag-ulan.

Mayorya sa mga biktima ay mula sa Kwara State at kagagaling lamang sa isang kasalan.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad habang kasalukuyan pang nagpapagaling sa ospital ang mga survivors. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author