dzme1530.ph

Higit 100 bangkay matapos ang deadliest rail crash sa India, hindi pa rin naki-claim ng kanilang pamilya

Umapela ang Indian authorities sa mga pamilya na tulungan silang tukuyin ang mahigit 100 unclaimed bodies na nasa mga ospital at mortuaries, kasunod ng pagkamatay ng 275 katao sa deadliest rail crash sa bansa sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Nangyari ang trahedya noong Biyernes nang salpukin ng isang passenger train ang stationary freight train at madiskaril saka bumangga sa isa pang pampasaherong tren na mula sa kabilang direksyon, malapit sa District of Balasore sa Eastern state ng Odisha.

Ayon sa isang senior state health department official, hanggang noong Lunes ng gabi ay nasa mahigit 100 bangkay pa ang hindi pa rin tukoy ang mga pagkakakilanlan.

Sinabi naman ni Bijay Kumar Mohapatra, Health Director sa Odisha, na sinisikap nilang maglagay ng mga iced containers upang ma-preserve ang mga katawan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author