Mahigit dalawang milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo lulan ng isang cargo van ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Dipolog City, sa Zamboanga Del Norte.
Sa statement, sinabi ng PCG na dumating sa Galas Feeder Port ang Undocumented Cigarettes na itinago na ilalim ng tatlumpu’t dalawang sako ng ipa ng palay.
Ang mga kinumpiskang produkto ay kinabibilangan ng pitong Master Cases at 49 Reams ng Berlin Red, limang Master Cases at 44 Reams ng 2M Red, tatlong Master Cases ng 2M Black, sampung Master Cases ng canon, labing walong Master Cases at 47 Reams ng fort, pati na 48 reams at labing limang Master Cases ng champion.
Ayon sa Coast Guard, nai-turnover na ang mga kontrabando sa Bureau of Customs (BOC) para sa pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff act.