dzme1530.ph

Higit ₱25-M halaga ng ketamine, nasabat sa Clark Airport warehouse sa pinagsanib na operasyon ng mga otoridad

Loading

Napigilan ng mga awtoridad ang pagpupuslit ng ilegal na droga sa isang warehouse sa Clark Freeport Zone sa Pampanga kahapon.

Ayon kay Police Regional Office 3 Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, pinangunahan ng PDEA Region 3 ang operasyon katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan.

Nasamsam ang mahigit limang kilo ng ketamine na idineklara bilang “data cable roll” mula Belgium at nakatakdang ipadala sa Rodriguez, Rizal.

Nakita ng mga otoridad ang ilegal na droga na nakasilid sa anim na transparent plastic pouches sa loob ng isang container na nagkakahalaga ng higit P25 milyon.

Tinutugis pa rin ang nagmamay-ari ng nasabing shipment, at sinampahan na ng kasong paglabag sa Section 4, Article 2 ng Republic Act 9165 o Importation of Dangerous Drugs.

Pinasalamatan naman ni BGen. Peñones ang matibay na koordinasyon ng mga ahensya at mabilis na aksyon upang mapigilan ang pagkalat ng ilegal na droga sa rehiyon.

About The Author