dzme1530.ph

Higit ₱16M halaga ng marijuana Kush, nasamsam sa Pampanga

Nasamsam ng Clark Drug Interdiction Task Group ang nasa ₱16.1-M halaga ng marijuana kush na nakalagay sa dalawang “wooden crates” sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Sa isang panayam, sinabi ni PNP-Aviation Security Group Director Brig. Gen. Christopher Abrahano, nasabat ang malaking halaga ng iligal na droga matapos ang isinagawang X-ray inspection ng Bureau of Customs sa mga wooden crates na idineklarang mga “sofa sets” mula sa Bangkok, Thailand, kahapon.

Sa isinagawang inspection, tumambad ang nasa 23 transparent plastic bags na naglalamang ng humigit kumulang 10.406 kilo ng high grade marijuana kush.

Ang mga nakumpiskang iligal na droga ay nasa kustodiya na ng PDEA Laboratory, habang mahaharap naman sa reklamong paglabag sa R.A 9165 o ang ” Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002″ ang ang consignee ng naturang wooden crates. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author