dzme1530.ph

Higit ₱10M halaga ng illegal drugs naharang sa isang warehouse sa Pasay City

Aabot sa higit ₱10,015,600 ang halaga ng illegal na droga ang naharang ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG mula sa dalawang inbound parcel sa isang warehouse sa NAIA Complex mula US.

Una dito naharang ang isang parcel na padala ng Ohio Tea Company na idineklarang herbal tea na naka-consignee kay Alfredo D. Roa ng Mayuga Street, Tambo, Parañaque kung saan naglalaman ito ng 3,570 grams na kush o high grade marijuana na may standard drug price na aabot sa ₱4,998,000.

Habang ang pangalawang parcel na padala din ng parehong kompanya na idineklarang Jasmine pearls green tea na naglalaman ng 3,584 grams na kush o high grade marijuana na may standard drug price na aabot sa ₱5,017,600.00 na naka consignee pa rin sa iisang tao mula sa Parañaque City.

Ang mga naturang illegal drugs ay naiturn over na ng Customs NAIA sa NAIA PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author