![]()
Aabot sa higit ₱36 Million pisong Forfeited Agarwood Shipments ang pormal na nai-turn over ng Bureau of Customs ng Ninoy Aquino International Airport (BOC–NAIA) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ayon kay BOC-NAIA District collector Atty. Yasmin Mapa bunga ito ng pagsisikap ng ahensiya na palakasin ang pangangalaga sa kapaligiran at sugpuin ang iligal na kalakalan ng wildlife at forest products.
Ang nakumpiskang agarwood ay may kabuuang bigat na 49.15 kilo na may tinatayang halaga na aabot sa ₱36,862,500.00.
Binigyang-diin ni BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno na
pangangalagaan ang likas na yaman.
Nangangailangan din anya ito ng malakas na koordinasyon at pagbabahagi ng responsibilidad ng bawat ahensiya ng pamahalaan.