dzme1530.ph

Hight P14-M halaga ng illegal drugs mula sa 10 abandunadong parcel sa CMEC, naiturn-over na sa NAIA PDEA-IADITG 

Nasa 10 abandunadong parcel na naglalaman ng iligal na droga mula sa iba’t ibang bansa ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Domestic road, Pasay City.  

Una rito ang limang abandunadong parcel kung saan naglalaman ng halos 544ml liquid marijuana na may tinatayang street value na aabot sa P32,640. 

Habang ang lima pang abandunadong parcel na naglalaman naman ng humigit-kumulang 8,446 piraso ng ecstasy (MDMA) tablets at 924 grams ng raw materials na may street value na aabot sa P14,358,200 ang halaga.  

Ang mga naturang parcel na naglalaman ng liquid marijuana ay nagmula sa mga bansa ng Taipei Taiwan, Ireland, at Malaysia na naka consignee sa mga lalawigan ng Dunaguete, Talisay City, Zamboanga City, Misamis Oriental, at Loyola Heights, Quezon City.  

Ang limang iba pang parcel naman na naglalaman ng ecstasy tablets ay nagmula sa mga bansang France, Amsterdam, at Netherlands at naka consignee sa Caloocan City, Laging Handa Villaruel St., Metro Manila Philippines at Molino 6 Bacoor, Cavite.  

Ang mga naturang illegal drugs ay pormal nang nai turn-over ng Bureau of Customs sa NAIA PDEA-IADITG para sa tamang disposal, –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News 

About The Author