dzme1530.ph

High-level exchanges, trade missions, ipinangako ng US sa Pilipinas

Kinumpirma ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang plano ni US President Joe Biden, na magdadala ng “high-level trade and investment mission” sa bansa.

Sa bilateral meeting ni Pang. Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. kay Biden sa Oval Office, isa sa pinangako nito ay pag-dispatch ng Presidential Trade and Investment Mission sa Pilipinas.

Tiniyak din umano ni Biden kay BBM na committed ang Amerika na suportahan ang malalaking usapin kabilang ang climate change mitigation at ekonomiya.

Para kay Romualdez ang “high-level trade and investment mission ng America ay magbubukas sa Pilipinas bilang “investments hub at regional supply chain hub” na malaking tulong sa ekonomiya.

Dagdag pa nito, ang bilateral economic engagement sa Estados Unidos ay hindi lang trabaho at business opportunities ang dala, kundi katatagan sa supply chain na siyang pangunahing problema ng maraming bansa. —sa ulat ni Ed Sarto

About The Author