dzme1530.ph

Heat index sa ilang lugar sa bansa, asahang tataas pa ngayong araw —PAGASA

Asahang papalo sa 43°C ang heat index o damang init sa Catarman, Northern Samar, at Aborlan, Palawan.

Habang aabot naman sa 42°C sa lalawigan ng San Jose Occidental, Mindoro; Puerto Prinsesa City, Palawan; Masbate at Dumangas, Iloilo.

Habang “Extreme Caution Level” sa ilang lugar kabilang na rito ang Pasay City na may 41°C at 40°C naman sa Quezon City.

Dahil dito, kung magbababad sa labas maaaring makaranas ng heat stroke, heat cramps at heat exhaustion.

Kaya naman, inabisuhan ng Department of Health ang publiko na kung hindi maiiwasan na lumabas ng bahay, mainam na magdala ng tubig, payong at magsuot ng preskong damit upang mabawasan ang banta ng “heat-related illnesses”.