dzme1530.ph

Heat index sa ilang bahagi ng bansa, nasa “danger level” na

Itinaas sa “danger level” ang heat index sa ilang lugar sa bansa matapos pumalo sa 42 hanggang 51 degrees celsius ang temperatura, kahapon.

Nakapagtala ng 44°C ang mga lugar ng Aparri, Cagayan; Laoag, Ilocos Norte; Dagupan City; Catarman, Northern Samar; at Catbalogan, Samar.

43°C heat index ang naitala sa NAIA, Pasay; Legazpi City, Albay; Masbate City; at Tacloban, Leyte.

Ang mga lugar naman ng Tuguegarao City; Iba, Zambales; Clark Airport (Pampanga) Ambulong, Batangas; Tanauan, Batangas; Maasin, Southern Leyte; at Zamboanga City ay umabot sa heat index na 42°C.

Ngayong Martes, inaasahang sisirit ang heat index sa 43°C sa Science Garden sa Quezon City at Laoag City, Ilocos Norte; 41°C sa Tuguegarao City; 38°C sa Catbalogan City; at 37°C sa Dipolog, Zamboanga Del Norte.

Samantala, kaninang alas-3:00 ng madaling araw, namataan ng PAGASA ang nabuong low pressure area (LPA) sa tinatayang 490 kilometers East ng Davao City at posibleng makaaapekto sa Mindanao, Eastern Visayas at Central Visayas habang makararanas naman ng easterlies at isolated rain showers ang metro Manila at natitirang bahagi ng bansa. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author