Nananatili ang atake sa puso, stroke, at diabetes bilang tatlong pangunahing nakamamatay na sakit sa Pilipinas.
Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni Health Sec. Ted Herbosa na ipinag-utos na ng pangulo ang pagtutok sa promotive healthcare at prevention upang labanan ang mga nabanggit na sakit.
Ipina-alala rin ng kalihim na maiiwasan ang tatlong sakit sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang pagkain at pag-iwas sa matatamis, maalat, at matabang pagkain, ehersisyo ng kahit tatlumpung minuto kada araw, at disiplina sa katawan kabilang ang pag-iwas sa mga bisyo tulad ng sigarilyo, alak, at iligal na droga.
Malaking tulong din ang mga hakbang ng mga lokal na pamahalaan tulad ng paglalaan ng bike lanes.
Samantala, sinabi ng DOH na bumababa na ang mga kaso ng tigdas at pertussis sa bansa.