![]()
Sinampahan ng administrative complaints sa Ombudsman si Health Secretary Ted Herbosa dahil sa umano’y 1.5 billion pesos na halaga ng mga expired na gamot at bakuna.
Bukod kay Herbosa, 16 pang opisyal ang kasama sa reklamong graft, grave misconduct at serious dishonesty.
Sa 33-pahinang reklamo, sinabi ng mga nagpakilalang concerned personnel ng DOH na maraming government-procured medical supplies kabilang na ang mga gamot para sa family planning at mental health ang nakaimbak lamang sa kanilang central warehouses.
Dahil anila sa delays sa deployment, ang mga supplies ay nag-expire simula noong December 2025 hanggang nitong March 2026.
Nasabihan na umano ang mga opisyal ng DOH hinggil sa papa-expire na medical supplies kabilang na ang HIV medications subalit bigong agad na umaksyon.
