dzme1530.ph

HEALTH PROTOCOLS, NAKALATAG NA PARA SA ASEAN MEETINGS SA GITNA NG BANTA NG NIPAH VIRUS, AYON SA PNP

Loading

Nakalatag na na ang health protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force upang matiyak na walang banta na makaaapekto sa ASEAN Meetings sa bansa.

 

Sa press briefing, sinabi ni PNP Director for Operations Police Major General Ronnie Francis Carriaga na kasama sa Inter-Agency Task Force ang Department of Health (DOH) at Office of Civil Defense (OCD), dahil kasama sa banta ang Nipah virus.

 

Idinagdag ni Carriaga na bagaman maraming events sa bansa, patuloy ang pag-iral at nasusunod ang health protocols kaya hindi maaapektuhan ng Nipah virus threat ang ASEAN meetings na nagsimula noong Enero.

 

Magkakaroon din aniya ng Leaders’ Meeting pagsapit ng Mayo at Nobyembre.

 

Una nang inihayag ng DOH na walang records ng Nipah virus sa Pilipinas at may mga nakalatag na safeguards ang bansa sa gitna ng isinasagawang paghahanda.

About The Author