![]()
Iginiit ni Sen. Erwin Tulfo ang pangangailangang pondohan ang health insurance at health card para sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard, bilang pagkilala sa kanilang katapangan at sakripisyo, lalo na sa mga nakatalaga sa West Philippine Sea.
Binigyang-diin ni Tulfo ang pangangailangan para sa mas pinalakas na medical benefits habang hinihintay ang pagkumpleto ng Philippine Coast Guard General Hospital, na inaasahang matatapos pagsapit ng 2028 upang magsilbi sa personnel at kanilang dependents.
Ipinaliwanag ni Sen. JV Ejercito, sponsor ng budget ng ahensya, na sa kasalukuyan nakaasa lamang ang PCG personnel sa state insurer na Philippine Health Insurance Corporation dahil hinihintay pa ang pagkumpleto ng nasabing hospital.
Para sa 2026, humiling ang PCG ng pondo para sa Emergency Medical Fund nito, ngunit hindi ito pinagbigyan ng Department of Budget and Management at hindi isinama sa National Expenditure Program na isinumite sa Kongreso.
