dzme1530.ph

Haze sa Metro Manila, iniugnay ng PAGASA sa pagtatapos ng Habagat season

May kinalaman sa pagtatapos ng Southwest Monsoon o Habagat season ang haze na bumalot sa Metro Manila, kahapon ng umaga, ayon sa PAGASA.

Ipinaliwanag ng state weather bureau na ang haze o polusyon na nakabitin sa hangin, ay dulot ng isang thermal inversion, na ang ibig sabihin ay medyo mas mainit ang hangin sa itaas kumpara sa hangin sa ibaba o sa surface level, kaya ang nangyari ay na-trap ang air pollutants sa ground.

Dapat kasi ay mas mainit ng bahagya ang hangin sa ibaba at habang tumataas ay lumalamig.

Dahil sa pagtatapos ng Habagat season, sinabi ng PAGASA na nasa transition na ang bansa patungong Northeast Monsoon Amihan season, na may dalang malamig na hanging iniuugnay sa Kapaskuhan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author