dzme1530.ph

Harry Roque, pinasusuko na ng House QuadCom

Matapos ibasura ng Korte Suprema ang inihaing writ of amparo ni dating Pres’l Spokesman Harry Roque, nanawagan ngayon ang House Quad Committee sa abogado na sumuko na ito.

Ayon kina Quad Comm chairmen Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte, at Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, hindi na dapat magtago si Roque at harapin na nito ang isyu ukol sa koneksyon nito sa POGO.

Ayon kay Fernandez, hindi na ito ang panahon para magpalusot, dahil batas ang dapat manaig at huwag nang magtago sa technicalities o writ na wala namang basehan.

Umapela rin si Barbers na makipag tulungan na ito sa imbestigasyon, lalo pa at maraming mahahalukay na krimen sa POGO.

Pangunahing sinisilip ng Quad Comm ay ang illegal operations ng POGO, bentahan ng illigal na droga, paggamit ng pekeng dokumento ng ilang Chinese national para makabili ng lupa, at ang EJK sa madugong war on drugs ng Duterte administration.

Base sa desisyon ng Supreme Court, ang writ of amparo ay tumutukoy lamang sa kaso ng extra judicial killings o enforced disappearances, at hindi ito nababagay sa kaso ni Roque. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author