Nagkasundo ang Department of Agriculture (DA) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na paigtingin pa ang “Halina’t magtanim ng prutas at gulay, Kadiwa’y Yaman, Plants for Bountiful Barangays Movement” o HAPAG KAY PBBBM Program. Ito ay upang mapalakas ang access sa sariwa at abot-kayang pagkain sa pamamagitan ng pagtatanim sa mga komunidad at urban areas.
Sa ilalim nito, magkakaloob ang DA ng technical assistance, mga binhi, fertilizers at pesticides, at financial assistance para sa mga Barangay at magsasakang makikilahok sa localized agricultural farming.
Magbibigay naman ang DILG ng training at suporta sa mga opisyal ng Barangay upang mahikayat ang pakikiisa ng mga residente.
Inilunsad ang HAPAG KAY PBBBM noong marso na layuning matiyak ang food security at maibsan ang problema sa kahirapan sa bansa.
—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News