dzme1530.ph

Hans Michael Weiss, magbabalik bilang head coach ng Azkals

Makalipas ang mahigit isang dekada, muling pangungunahan ni Head Coach Michael Weiss ang Philippine Men’s Football Team.

Ang pagbabalik ni Weiss bilang head coach ng Azkals ay inanunsyo ni Philippine Football Federation (PFF) President Mariano “Nonong” Araneta sa pamamagitan ng PFF website.

2012 nang pangunahan ng German coach ang team na naka-third place sa AFC Challenge Cup at nagkaroon ng semifinal appearance sa aff Championship.

Sa 44 appearances, nakapagtala ito ng 21 wins, 12 losses, 11 draws sa Philippine National Football Team.

Sa June 15 ay makakasagupa ng Azkals sa friendly match ang koponan ng Nepal habang sa June 19 ang Chinese Taipei, na parehong gaganapin sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author