dzme1530.ph

Hans Leo Cacdac, itinalaga na ng Pangulo bilang DMW Secretary

Opisyal nang itinalaga ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. si Hans Leo Cacdac bilang kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW).

Ito ay pitong buwan matapos siyang magsilbing officer-in-charge ng kagawaran.

Inilabas ng Malacañang ang appointment paper ni Cacdac bilang ad interim DMW Secretary.

Si Cacdac ay naging undersecretary ng DMW, executive director ng Overseas Workers Welfare Administration, executive director ng Philippine Employment Administration, at undersecretary ng Dep’t of Labor and Employment.

Pinangalanan siyang OIC ng DMW noong Setyembre 2023 makaraang pumanaw si former DMW Sec. Susan Ople.

About The Author